Thursday, June 11, 2009

Barkada

Barkada. Isang salitang nagtutukoy sa isang grupo ng magkakaibigan. Panu nga ba nagsismula ang isang barkada? Batay sa aking experience magsismula muna yan sa dalawa o tatlong tao. Pag ang kaibigan ng isa ay ipinakilala sa dalawa magiging cloe na sila, hanggang sa madagdagan pa ng madameng madame.


Pag nakabuo na sila ng tinatawag na barkada, dito na magsisimula ang madameng happenings. Iba- iba ang trip ng bawat barkadahan. Mayroong ang trip ay mag inuman pag gusto nila kahit may babae sa barkada nila, meron din naman ang trip ay foodtrip, meron din naman ang hilig ay manuod ng manuod ng kahit anong klaseng pelikula, meron din ang trip ay mag laro ng basketball at magpupustahan kung sino ang matalo siya ang bibili ng RC.


May barkadang bad influence, at syempre meron din good influence. BAD INFLUECE, yung tipong masisira ang buhay mo dahil sa barkadang sinamahan o pinili mo, matututo kang uminom, magyosi, magnakaw at lahat na ng masasamang bisyo sa mundo. GOOD INFLUENCE, yung tipong magiging anghel ka dahil ang sinamahan mo ay puro anak ng diyos, haha biro lang, lahat naman tayo anak ng diyos. Yung tipong lahat ng ginagawa nila ginagawa mo na rin katulad ng pag gawa ng assignment, pag gawa ng projects at lahat ng alam mong makakabuti sa buhay mo.


Masarap ang pakiramdam ng madameng kaibigan. Lalo na kung alam mong hindi sila makakasira sa buhay mo. Ang maganda pa dun, sabay sabay kayong mangangarap habang tinitingnan niyo ang mga bituin sa langit. Basta ang aking Circle of Friends ay mabuting impluwensya.

0 comments:

Post a Comment