Thursday, June 11, 2009

Reunion xD


Nung nalaman ko na magkakaroon kame ng reunion ng mga kaklase ko nung elementary, ang unang pumasok sa isip ko ay “yey! May reunion kame, makikita koh ulet sila, pati ata yung crush ko dati makikita ko din sa araw na yun, pupunta kaya siya.? Masaya to”. Hectic ang sched ko, di ko alam kung pupunta ako dahil party ng isa kong pinakamamahal na kaibigan. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta, di ba?

Eto na ang araw na aking pinakahihintay. REUNION NA! Di ko lubusan akalain na pupunta ang ganun kadame iisa- isahin ko pa ba.? May nakalimutan pa ba ako.? Di ko alam haha. Andame namen meron iba jan galing pa ng Fairview, meron din galing pa ng bulacan. Oh di ba, ang effort nila masyado. Meron iba sa kanila dati kung kumilos ay parang babae pero ngayon nasobrahan sa pagiging lalaki.

Nagsimula na ang party. Ang tikas nila, may program talaga, yung tipong may opening remarks haha nakakatuwa, kulang na lang kumanta ng national anthem at bigkasin ang panatang makabayan. Nagkantahan, nagkainan, nag inuman, at sa bandang huli ay nauwi sa open forum.

Masayang natapos ang aming reunion nag uwian kame ng 10:30 ng gabi.

0 comments:

Post a Comment