Friday, June 12, 2009

Inuman


Tama na yan inuman na! Inuman, tinuturing na bahagi na nga buhay ng bawat Pilipino lalo na ng mga kalalakihan, ginagawa nila itong libangan, lalo na ng mga tambay sa kanto. Base on my observation, tuwing weekend madalas nag iinuman ang mga tambay sa kanto. Bawat daanan may makikita kang tagayan, tagay dito, tagay diyan.

San mig lights, matador, generoso, gin, anu pa ba?
Ang inuman hindi lang para sa mga matatanda. Pati mga kabataan nahihiligan na rin ito, kahit anung kasarian pumapasok sa ganitong gawain, babae, lalake, bakla, tomboy, butiki, baboy.

Bakit ba nahilig dito ang mga kabataang tulad ko? Marahil ay peer pressure, pag nakita mong ang kaibigan mo’y umiinom, makikiinom ka na din, para sunod sa uso. Anu bang mapupulot dito? Para sa ‘kin WALA. Sinayang mulang ang perang binigay sayo ng nanay at tatay mo. Sasakit lan ang ulo mo dahil kinabukasan may hang over ka na.

Well, base on my experience, di ako mahilig sa mga hard na inumin. Mud Shake at Red wine ang hilig naming magkakaibigan, good for the heart. Di naman nakakalasing yun eh. Baket ba?! HAHA.

Wala naman masama sa pag- inom. Basta’t kaya mong panindigan na hindi ka malalasing at di gagawa ng kaguluhan sa mga natutulog na kapitbahay. Dapat well balance.

0 comments:

Post a Comment